Dear Marciano,
As I am writing this, I am 2 hours shy of my 30th birthday. So to clarify, this post is not exactly for you, but more for my 29-year-old self. The one I will left behind once the clock strikes 12.
Dear 29-year-old Abby,
SALAMAT. Maraming maraming salamat kasi naging matatag ka. Gusto ko lang malaman mo, na wala kang dapat ipag-alala. Matatag ako kasi naging sobrang matatag ka. Susundan ko lang yung lakas at tibay ng loob na pinakita mo habang hinaharap mo ang lahat ng hamon ng buhay nitong nakaraang taon at kung kinakailangan ay hihigitan ko pa, hindi lang para sa'yo kundi para na rin sa mga nakaraang taon pa na napagtagumpayan ng kalooban mo lahat ng beses na hinamak sya ng pagkakataon.
Walang sawa akong mag-papasalamat sa'yo, kasi naging positibo ka kahit ang pakiramdam mo hindi ka na sapat. Ito yung pinakamabigat na taon sa lahat, pinakamaraming pagsubok kaya kailangan talaga ng kakaibang lakas. Hindi ka bumitaw kahit hindi mo na maikumpara yung bigat na dala ng puso at isipan mo sa araw-araw habang pinipilit mong mamuhay na parang wala kang pinapasan.
Mas madaling bilangin yung mga gabi na hindi ka umiiyak bago matulog, pero sa kabila ng lahat hindi man lang sumagi sa isip mo na sumuko. Naging takbuhan mo ang gaan ng pakiramdam na nabibigay ng pagluha. Babangon ka kinabukasan, haharapin ang panibagong araw na parang wala kang pinag-dadaanan. Pero sa mga gabi na mas lamang pa din yung bigat ng kalooban kesa sa pagod ng katawan, gusto kitang damayan para ipaalala sa'yo na lilipas din lahat yan.
May mga bagay man na ako naman ang papasan ngayon, gusto kong malaman mo na ayos lang yan. Ngayon, pwede ka ng magpahinga, masyado ka ng madaming pinagdaanan. Habang binabalikan ko yung taon na pinagdaanan mo, napagtanto ko na habang pabigat ng pabigat yung dalahin mo, mas naihahanda ko pala yung sarili ko para sa araw na 'to, para kung sakali na hindi man maging magaan ang taon na ito para sa kin, handa ako, kayang-kaya ko, kasabay ng pag-asa na mababawasan na yung mga gabi ng pagluha at mas dadami yung umaga na babangon ako at haharapin yung umaga na walang mabigat na dalahin na kailangang pansamantalang itago sa kailam-laliman ng puso at isipan.
Salamat kasi naging positibo ka sa kabila ng pagdududa mo sa sarili mo. Napakalaking bagay na pinili mong magsilbi kang liwanag sa sarili mo habang nilalakbay mo yung madilim na landas ng buhay mo. Hindi ka umasa sa liwanag ng iba kasi sawa ka ng mabigo at masaktan. Naniwala ka na kaya mong lagpasan ang lahat. Ginawa mong inspirasyon yung anak at magulang mo para mas tumibay yung pagnanasa mong malagpasan lahat kahit yung mundong ginagalawan mo, binibigyan ka lagi ng dahilan para sumuko.
MARAMING MARAMING SALAMAT. Ako naman ang bahala simula ngayon. Wala kang dapat ipag-alala dahil inspirasyon kita at ang taon na pinagdaanan mo. Hindi ako susuko at pipilitin ko na maging magaan ang taon na ito para sa lahat.
Habangbuhay na humahanga,
30-year-old Abby
2017 was one heck of a year for us Marciano. I am sure in one way or another, you have felt it too. I am sharing this with you so you'll know that life is not just about the good things. It's not all laughter and cheers. We shelter you from reality for now but time will come that you'll have to face it. We don't know yet but you may have to face it alone or face it with me and Lolo and Lola. Either way, when that time comes I hope I have groomed you enough so you can withstand everything that life throws at you. May your instinct be "TO SURVIVE AND FINISH STRONG" every time you are being challenged. Everything shall pass Marciano, be it good or bad, but you have to be mentally, psychologically and spiritually strong enough to survive. And that is my birthday wish for my 30th birthday.
May I be able to mold you into a positive human being. May you see the hardships of life as blessings, as they will make you a better person each and every time you have passed one through. There's nothing you cannot do as long as you believe in yourself and trust God that He got your back. Hindi ka Nya papabayaan.
I LOVE YOU SO MUCH. You have made this year easier for me just by being there and being my constant reminder that I am enough, I am more than enough. You give me strength in ways you don't know. Thank you for bringing out my A game even when all I want to do is lay down and cry. I LOVE YOU. I LOVE YOU. I LOVE YOU.
Love,
Nanay
No comments:
Post a Comment